Wednesday, June 11, 2008

Ika-12 nang Junyo: Unang Yugto



"...Kaya eto, sa aking sariling paraan, ipinagdidiwang ko ang araw na ito sa pamamagitan nang pag blog sa kaunaunahang pagkakataon sa salitang Tagalog."




MALIGAYANG ARAW NANG KALAYAAN MGA KABABAYAN! :)

Ako ay Pilipino.
Ang Pilipino ay ako.

Taas noo kong ipinagmamalaki ang ating bansa, ating mga kababayan at ang ating kultura.
Walay jam.

Nagsimba kami sa St. Pius noong nakaraang linggo mga alas dose nang hapon. Natutuwa talaga ako kapag doon kami nagsisimba pagkat ang dami-dami kong nakikkita na mga kababayan. Nabibigyan ako nang paniniwalang parang hindi ako umalis kahit sa saglit na sandali lamang. Madalas, Pilipino rin ang nagbabasa nang una at pangalawang pagbasa. Kung ako ay maswerte, may mga pagkakataon pa nga na Pilipino din ang "choir". Ang sarap nang pakiramdam pag dating nang parte kung saan kinakanta na nila ang "Kordero Nang Diyos". Tumataas talaga ang balahibo ko at tila binabalik ako sa mga Linggo sa loob nang simbahan nang San Pablo sa Juna Subdivision, Matina, Davao City, alas sais nang gabi.

Dahil ika-12 na nang Junyo bukas, at sa Pilipinas ngayon ay kasalukuyang nagaganap ang ARAW NANG KALAYAAN may isang pangyayaring hindi ko inaasahan noong araw na yun..

Natapos na ang huling kanta sa misa ngunit itinuloy pa ring nang pianista ang pagtugtug. Dahan-dahan nang naglalabasan ang mga tao. Bago pa man kami makatayo sa aming inuupuan, sinimulan nang choir ang pagkanta nang Ako ay Pilipino.



Doon talaga ako kinilabutan. Nakita ko na ang mga naiwan na lang sa loob nang simbahan ay ang mga Pinoy. Habang patuloy ang choir, dahan-dahan na ding nakisali ang mga nakakaalam sa mga salita at tila may naririnig akong pagasam sa mga tinig na lumalabas sa kanilang mga bibig. Naramdaman ko na galing sa puso ang lahat nang naririnig ko. Sigurado ako dahil ito sa malaking parte nang pagkatao nila na naiwan nila sa Pilipinas. Sigurado ako dahil malaking parte nang pagkatao ko ang naiwan ko sa Pilipinas.

Kanina ay sinabi sa akin nang kapatid ko "Huy! Happy Independence Day! 12 na didto!". Sabi ko, "O diay noh! Halaaa!"( Oo nga pala noh."). Pagkatapos ay sabi niya "Uy! Magbutang na ta ug flag!"("Maglagay na tayo nang bandila") Pagkatapos non naisip ko na lang bigla, Paano ko ba talaga pinahahalagahan ang araw na ito noon? Halos hindi ko na nga maala, nang biglang ..Aaaah "Yes, Walay Klase!"(Yes! Walang Klase!"). Ayun! Ang weird isipin na kung kelan ang konti lang nang paraan para magsaya at magdiwang, ngayon ko pa naisip kung gaano pala kaimportante ang araw na ito. Kaya eto, sa aking sariling paraan, ipinagdidiwang ko ang araw na ito sa pamamagitan nang pag blog sa kaunaunahang pagkakataon sa salitang Tagalog.


...Itutuloy.


Pangalawang Yugto: Ika-12 nang Junyo- dito..

Tagalog nang Atenistang taga Davao:
Kaweird nang tagalog ko. hahahaha One year na kasi ako hindi nakasulat nang mga essay na tagalog ba. Parang kahirap maghanap nang salita. Wah NOSEBLEED. Wla pa dyud dictionary.com para mag tulong! hahaha YUGTO! OH HA!! hahaha. Pero sure na ko na kadami ko wrong grammar, cge n lng. Diba kita ang effort. haha

No comments: